Ano nga ba ang dapat mong gawin kapag narinig mo na ang sirena ng pulis sa likod ng kotse mo?
According to police officers interviewed for this article from aol.com, here are the do's and don'ts:
Pull over as soon as possible. Kapag sinenyasan ka na ng pulis, tumabi ka kaagad.
Always pull over to the right. Tumabi ka agad sa bandang kanan ng kalye. Kung nasa freeway ka, dahan-dahang lumipat sa shoulder ng freeway, doon sa walang guardrails, kung maaari.
Know where your paperwork is. Ang unang hihingin sa 'yo ng pulis ay ang iyong lisensya, rehistro at insurance. Kung di mo alam kung nasaan ang mga papeles na ito at pinag-intay mo ang pulis ng matagal, malamang na mawala ang simpatya niya sa iyo.
Make the officer feel safe. Kung madilim na, buksan ang iyong ilaw sa kotse. Siguraduhing kita ng pulis ang mga kamay mo sa lahat ng oras. Buksan ng sagad ang iyong bintana. Manatili sa loob ng kotse.
Let the cop talk first. Huwag kang magsabi ng anuman na maaari mong ikapahamak. Manatiling kalmado, kahit na naiinis o natataranta ka na dahil pinatigil ka. Wag kang mag-bigay ng impormasyon na hindi hinihingi, gaya ng kung gaano ka kabilis nag-da-drive. Hayaan mo'ng siya muna ang magsalita at manatiling kalmado.
Don't argue with the cop. Maiinis lang sa iyo ang pulis kapag ginawa mo ito. Maaari ka niyang bigyan ng full offense ticket. Kung gusto mong i-contest ang ticket mo, mas mabuting gawin mo ito sa korte.
No comments:
Post a Comment